Tuesday, September 25, 2012

Talumpati: KAIBIGAN

Junior Tigers Family


<== KAIBIGAN ==>

Mahalaga pa bang magkaroon ng KAIBIGAN?


Isang mahalagang bagay sakin ang magkaroon ng isang kaibigan.
Pinahahalagahan ko ang bawat oras na magkasama kaming lahat sa mabuti man o masama.

Napapasaya ko ang bawat isa na kahit alam kong mayroon silang tinatagong
lungkot sa kanilang damdamin. Hindi ka nila pababayaan kahit na
maraming pagsubok ang iyong hinaharap, nandyan sila upang akoy damayan.

Sa kabila man ng mga pagsubok nito nakikita ko na hindi nila ako iniwanan.
Sadyang kay hirap humanap ng masasandalan ng problema, yong
matatawag mo na "TUNAY NA KAIBIGAN".

Marami ngayon sa kabataan na problemado sa pag-aaral, pamelya at pera.
Nangangailangan sila ng mabuting kaibigan na kaya kang dalhin sa magandang
gawa para damayan sa lahat ng oras at suportahan sa lahat ng bagay.
Sana nandyan parin sila sa kasiyahan, kalungkutan, iyakan at kahirapan 
man patuloy na nagmamahal sa pinagsamahan....

Salamat aking KAIBIGAN...

No comments:

Post a Comment